Archive

  • Pulong ng Sentro ng Wika at Kultura, Pinagtibay ang mga Hakbangin sa Pananaliksik, Pagsasalin, at Gawaing Pang-akademiko

    ???????????????????????? Pulong ng Sentro ng Wika at Kultura, Pinagtibay ang mga Hakbangin sa Pananaliksik, Pagsasalin, at Gawaing Pang-akademiko

    Isinagawa ng Sentro ng Wika at Kultura ng Ilocos Sur Polytechnic State College (ISPSC) ang isang pagpupulong sa pamumuno ng Direktor na si Dr. Monita Pops F. Ambrocio noong Agosto 1 sa RDETC Building, ISPSC Main Campus.

    Inilatag at pinag-usapan sa pulong ang mga konkretong hakbangin na isusulong ng sentro kaugnay ng pananaliksik, pagsasalin at publikasyon, at iba’t ibang gawaing pang-akademiko. Layunin ng pagtitipon na pagtibayin ang papel ng mga guro bilang katuwang ng sentro sa pagpapalaganap ng wika at kulturang Filipino sa ISPSC.

    Kabilang sa mga iprinesenta sa pulong ay ang mga plano para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 na gaganapin sa buong buwan ng Agosto. Ang mga aktibidad ay isasagawa sa bawat kampus at sa buong pamantasan.

    Nagbahagi ng kani-kanilang plano ang mga hepe ng mga pangunahing dibisyon ng sentro: si Dr. Richard L. Malaggay bilang Hepe ng Dibisyon ng Pananaliksik at Pagpapaunlad ng Wika; si Gng. Lei Ann S. Villegas bilang Hepe ng Dibisyon ng Pagsasalin at Publikasyon; at si Dr. Jane V. Moreno bilang Hepe ng Dibisyon ng Gawaing Pang-akademiko.

    Binigyang-inspirasyon ang mga kalahok sa pamamagitan ng mensaheng ibinahagi ni Dr. Christian C. Gandeza, Espesyal na Asistente ng Pangulo at isang dalubhasa sa Filipino, na nagbigay-diin sa mahalagang papel ng Sentro ng Wika at Kultura sa pagsuporta sa misyon ng pamantasan bilang tagapagtaguyod ng edukasyong maka-Filipino.

    Naging bahagi rin ng talakayan sina Mr. Eugene Dapiosen, Dr. Claire Santisteban, Dr. Anabella del Rosario, Dr. Eric Villanueva, Dr. Estela Marie Supnet, Dr. Geraldine Gonzaga, Dr. Julie Ann Sebastian, Dr. Lanie Tiu, at Ms. Aileen Rovira, na pawang mga katuwang sa pagpapalalim ng mga inisyatibo ng sentro.

    Sa kabuuan, ang pulong ay nagpatibay ng pagkakaisa at adhikain ng mga guro sa Filipino na maging tagapagtanggol ng wika, kultura, at kaalamang makabansa sa loob ng akademikong komunidad ng ISPSC. (Lei Ann Sevilleja, PRPIO Coordinator)

    #ISPSC #UniversityOfIlocosPhilippines #OnwardsUIP